I am a graduate of BEED with specialization in Pre-School Education in Colegio de San Juan de Letran Calamba. I graduated a few years ago and recently designated as an ICT and EPP teacher of higher grade. But due to some unavoidable matters, i was not able to attend the seminar for k-12 grade 6 teachers and was forced to be an adviser of Kindergarten. I don't have any issues about that since that was my course but a few days later we were advised that a teacher from Grade VI will go down to us to teach kinder because she attended the ELLN. Is ELLN enough reason or a valid reason to be a kinder teacher where in fact ELLN is from K-3 not necessarily for kinder alone. And we were also informed that a Grade I teacher will go up to Grade VI even though she don't have training for Grade VI. "ano to lokohan?" Well I am just stating a fact for as long as I am not mentioning any school, any names I think I am still safe...pag tinamaan ka BOOOOOMMMMMM ikaw pala yun....Asan naman kasi ang hustisya dun....matapos niyo ko ipagtulakan pababa bigla kayong kukuha ngayon sa baba unfair di ba pero sabi nga ni "Ernie Baron", may you rest in peace, WEATHER WEATHER lang yan....weather mo ngayon so make the most out of it....samantalahin mo....and as per "Robin Padilla",: suko na ko sa yo eh, taas na nga kamay ko oh.....
0 Comments
Mahirap man aminin o nakakahiya mang aminin pero talagang kasama na sa buhay natin ang palakasan. Mula sa pag-apply mo hanggang sa ma-in ka na. Na-andiyan ang palakasan.
Hindi ka ba nahihiya? Noon nagkukumawala ka na mailipat ka, ngayon na nailipat ka na ayaw mo na? Babalik ka na? Akala mo kaya mo? Akala mo magaling ka? Ganun talaga ang akala. Wala naman tumamang akala eh. Sige nga mga kapawa ko guro comment kayo dito kung may akala kayo na tumama? O di ba wala? Sabi mo noon hindi ako pwede kasi wala akong training ng K-12 for Grade 5 ngayon kukuha ka ng teachers sa baba na wala ding training para itaas. Asan ang hustisya dun? Hindi naman bawal ang mahiya kaya sana kahit konti lang magpakita kayo na nahihiya kayo... A Teacher. Ano ba ang buhay ng guro? Sabi nga ng professor ko nung college, "teaching is a noble profession. Next to priesthood." Kapag nagbigay ka hindi ka maghihintay ng kapalit. Hindi ka mag-e-expect ng kahit ano mula sa pupils mo. You will just give your all. Ganun tayong mga guro. Kapag walang baon ang bata binibigyan natin, kapag walang pencil, si teacher na ang bahala kapag walang papel si teacher din ang bahala may contribution walang pambayad si teacher pa din ang bahala. Ganyan po ang buhay guro.
Itinaas na nga ang sweldo natin pero kulang pa din. May sira ang classroom hihingi ng tulong sa PTA, hihingi ng tulong sa pulitiko at kapag kinulang ang budget si teacher ulit ang magpupuno. Kailangan daw teki na si teacher, paano magiging teki si teacher wala naman binibigay para magkaroon ng Laptop si Teacher, wala din nagbibigay para magkaroon ng TV...kailangan mo pa mamalimos para lang magka-TV. Kaso problema pa din may TV ka na di mo naman alam pano i-maximize ang gamit nito. Yan ang buhay guro, di mo alam kung ano ang uunahin mong ipundar, di mo alam kung ano ang uunahin mong pag-aralan. Paano ka magaaral maglaptop kung wala ka naman nito. May TV ka pero di mo alam pano mo ipapasok ang lessons mo dito kasi kailangan mo pa din ng laptop para maconvert ito at magamit mo sa TV. Buhay Guro.... |
AuthorCherrie De Vera ArchivesCategories |